MGA PANGUNAHING KALSADA SA DAGUPAN CITY, PASSABLE SA LAHAT NG URI NG SASAKYAN

Passable o madadaanan na para sa lahat ng uri ng sasakyan ang mga pangunahing kalsada sa Dagupan City batay sa ibinahagi ng pamahalaang lokal ngayong alas-8 ng umaga, Martes, August 18.

‎Batay sa road status update ng Dagupan City Government, patuloy na maaaring daanan ng mga motorista ang mga pangunahing lansangan sa lungsod sa kabila ng mga basang kalsada at ilang bahaging may naipong tubig dulot ng pag-ulan.

‎Makikita rin sa mga inilabas na larawan na patuloy ang pagdaan ng mga pribadong sasakyan, pampublikong transportasyon at iba pang motorista sa ilang pangunahing lansangan.

‎Pinapayuhan ang lahat ng motorista na mag-ingat, maghinay-hinay sa pagmamaneho at manatiling alerto sa mga bahaging may tubig at madulas na kalsada. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments