Ayon sa mga opisyal, ang naturang halaga ay para lamang sa mga magsasakang kusang-loob at interesadong magpasurvey ng kanilang lupa. Walang obligasyon ang mga land claimant na magbayad o magpa-survey kung hindi nila ito nais.
Tinalakay ang usapin kasabay ng paglilinaw sa kasalukuyang estado ng Mangabul Lake Reservation Reclassification at mga isyu kaugnay ng uncoordinated land surveys.
Hinimok naman ang mga land claimant na huwag agad maniwala sa mga impormasyong kumakalat, partikular sa alegasyong kailangang magbayad ng ₱5,000 ang lahat ng magsasaka.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng koordinasyon at pahintulot bago magsagawa ng survey upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng magkakatabing claimant.
Pinayuhan ang publiko na beripikahin muna ang impormasyon at makipag-ugnayan sa mga awtorisadong tanggapan bago makilahok sa anumang proseso o transaksiyon na may kaugnayan sa kanilang mga lupain. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










