Tuesday, May 5, 2026

IKA-APAT NA TAUNANG LECHONAN ED BARANGAY, DINAGSA SA LASIP CHICO

Masayang ipinagdiwang ng Lungsod ng Dagupan ang ika-apat na “Lechonan ed Barangay” sa Barangay Lasip Chico noong Mayo 2, bilang bahagi ng taunang selebrasyon na nagbibigay-pugay sa kilalang lechon ng lugar.

Tampok sa selebrasyon ang pag-ihaw ng 22 lechon na pinagsaluhan ng mga residente at mga bisita na siyang Matagumpay na naisagawa ang aktibidad.

Sa bisa ng City Ordinance 2297-2024, opisyal nang kinilala ang Barangay Lasip Chico bilang “Lechon Capital” ng Dagupan City, bilang tahanan ng ilan sa mga pinakamahusay na lechonero sa lungsod.

Patuloy na isinusulong ng naturang selebrasyon ang lokal na industriya ng lechon at ang pagkakaisa ng komunidad sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang ipinagmamalaking produkto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments