Wednesday, September 9, 2026

Atty. Paolo Panelo, itinalagang bagong tagapagsalita ni VP Sara Duterte

Itinalaga ng Office of the Vice President si Atty. Paolo Panelo bilang bagong tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte.

Base sa inilabas na pahayag ng OVP ngayong araw, magsisilbing opisyal na kinatawan si Atty. Panelo sa pakikipag-ugnayan sa media at publiko.

Siya rin ang maghahatid ng mga opisyal na pahayag, pananaw, at posisyon ng bise presidente sa mga mahahalagang usapin.

Malugod ding tinanggap ng Office of the Vice President ang kanyang paghirang at nagpahayag ng pag-asang mas mapapadali, mas magiging malinaw, at mas maaabot ng publiko ang mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng kanyang panunungkulan.

Pinalitan ni Panelo bilang spokesperson si dating Department of Trade and Industry o DTI Usec. Ruth Castelo.

Facebook Comments