Kabilang sa mga isinagawa ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) sa mga barangay ng Mabilao, Rabon, Inmalog Sur, Inmalog Norte, Tempra Guilig at Bolasi upang dagdagan ang proteksyon ng mga bata laban sa tigdas at tigdas-hangin.
Kasabay nito, nagsagawa rin ng Dengue Awareness Campaign ang RHU II upang paalalahanan ang mga residente sa mga paraan ng pag-iwas sa dengue, kabilang ang pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran.
Isinagawa rin ang Oplan Taob, kung saan inalis ang naipong tubig sa mga lalagyan at iba pang posibleng pamugaran ng lamok na nagdadala ng dengue.
Pinangunahan ni Dra. Carmina L. Disu ang mga aktibidad, katuwang ang Public Health Nurses gayundin ang mga health care providers mula sa Department of Health.
Sa kabila ng patuloy na pag-ulan, ipinagpapatuloy ng mga health worker ang paghahatid ng pangunahing serbisyong pangkalusugan upang maprotektahan ang mga residente laban sa mga sakit na maaaring kumalat sa komunidad.
Hinikayat naman ang publiko na makiisa sa mga programang pangkalusugan, partikular sa pagbabakuna, dengue prevention at pagpapanatili ng malinis at ligtas na kapaligiran. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










