
Inanunsyo ng North Luzon Expressway (NLEX) na simula kagabi, Enero 21, hanggang sa Lunes, Enero 27, ang ilang bahagi ng Balintawak Cloverleaf area at Balintawak Toll Plaza sa Quezon City ay pansamantalang isasara para sa pagkukumpuni ng kalsada.
Ayon sa NLEX, ang naturang pagsasara ay upang bigyang daan ang pagsasaayos o pagkukumpuni sa daan na may 200 metro ang haba kung saan apektado rito ang Lane 1 o leftmost lane ng northbound at southbound sa Balintawak Area.
Nagpaabot naman ng pang-unawa ang pamunuan ng NLEX sa mga motorista na daraan sa naturang lugar dahil sa idudulot na abala sa isinasagawa road repair works.
Facebook Comments