
Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang apat na bagong batas na nagdedeklara ng special working holiday sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Sa ilalim ng Republic Act No. 12217, idineklarang special working holiday ang petsang September 14 kada taon sa bayan ng Sta. Cruz, Occidental Mindoro, para sa pagdiriwang ng piyesta ng Holy Cross.
Sa bisa naman ng Republic Act No. 12218, special working holiday rin ang petsang January 6 kada tao sa Quezon City bilang pag-alala sa anibersaryo ng kapanganakan ng tinaguriang “Ina ng Katipunan” na si Melchora Aquino.
Idineklara na ring special working holiday ang petsang October 27 kada taoon sa lalawigan ng Sarangani.
Batay sa Republic Act No. 12219, ito ay bilang pagkilala sa natatanging ambag ng mga katutubo ng Sarangani sa mayaman at malawak na kultura ng bansa.
Special working holiday rin sa July 8 kada taon sa lungsod ng Isabela, Basilan, batay sa Republic Act No. 12220, bilang pagdiriwang sa kapistahan ng St. Elizabeth of Portugal, o mas kilala bilang Fiesta Alegria de Isabela.