Ilang Filipino cartoonist tampok sa Asean Human Rights Cartoon Exhibition

21

Tampok sa Asean Human Rights Cartoon Exhibition ang mahigit 70 political cartoons na iginuhit ng 37 cartoonist mula sa iba’t ibang bansa sa Southeast Asian.

Ang exhibit ay may temang “Human Rights in My Country.”


Kabilang sa mga lumahok dito ay ang ilang Filipino cartoonist gaya nina Angelo Lopez, Josua Cabrera, Bern Fabro, Paul Eric Roca, Zach Kartunista at Dibujo Gasgo.

Makikita sa gallery ang ilang usapin ukol sa war on drugs sa Pilipinas, kudeta sa Myanmar at Papua New Guinea, Indonesia at ang state emergency sa Malaysia.

Maaaring mapanood ang online launch ng exhibit sa www.craftora.com.

Facebook Comments