Ilang flights papuntang Legazpi at Naga, kinansela kasunod ng muling pag-aalburuto ng Bulkang Bulusan

148

Kanselado ang ilang flights ngayong araw ng Linggo, June 12, kasunod ng muling pag-aalburuto ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), kabilang sa mga suspendidong biyahe ay ang mga sumusunod:

Cebu Pacific (5J)


– 5J 325/326 Manila-Legazpi-Manila

CebGo (DG)
– DG6111/6112 Manila-Naga-Manila

PAL Express (2P)



– 2P 2923/2924 Manila-Legazpi-Manila
– 2P 2919/2920 Manila-Legazpi-Manila

Facebook Comments