
Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na hindi pa rin operational ang ilang fuel facilities sa mga lugar na naapektuhan ng malakas na lindol sa Mindanao.
Ito ay dahil sa nagpapatuloy pa ang post-earthquake inspections at safety assessments sa naturang mga pasilidad.
Sa kabila nito, tiniyak ng DOE na nananatili namang bukas ang maraming fuel stations sa Regions 11 at 12.
Nanindigan din ang DOE na nananatiling normal ang operasyon ng fuel depots at LPG refilling plants sa mga apektadong rehiyon sa Mindanao.
Samantala, kinumpirma ng DOE na nagpapatuloy ang restoration at assessment activities sa power generation facilities sa rehiyon.
Ang Sarangani Energy Corporation Units 1 and 2 ay target na maibalik ang supply ng kuryente bukas, June 11, habang ang SMC Malita Coal Plant Units 1 at 2 ay manunumbalik ang operasyon sa June 17.










