Lagpas tubod ang ilan sa mabababang bahagi ng bahay malapit sa mga fishponds.
Walang nagawa ang iba kung hindi hayaang mabasa sa tubig ang ilang kagamitan habang ang ilan naman sa mga gamit ay naitaas pa para hindi na abutin ng tubig.
Hindi naman naabot ang kalsada ng barangay ngunit may ilang bahay din ang napasok ng tubig.
Bukas naman ang paaralan malapit sa mga residenteng apektado nang sa gayon ay agad lumikas sa oraa na kinakailangan habang patuloy ang abiso ng awtoridad ukol sa paghahanda at paghingi ng tulong bago pa malagay sa alanganing sitwasyon.
Samantala, ilang barangay at lugar pa sa lungsod ang nakaranas ng tubig-baha, kahapon tulad sa Downtown area kung saan ilan establisyimento ang napasukan ng tubig maging sa bahagi Mayombo kung saan abot tuhod ang naging tubig-baha. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








