
Bukas ang Philippine National Police (PNP) sa posibleng imbestigasyon kaugnay ng umano’y police violence o karahasan ng pulisya at ang hindi umanong makatwirang pag-aresto sa mga nagsagawa ng kilos-protesta sa kasagsagan ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong July 27.
Inihayag ito ng Pambansang Pulisya kasunod ng mga ulat na may ilang human rights at people’s organization na nananawagan sa Commission on Human Rights (CHR) na magsagawa ng independent investigation kaugnay ng umano’y pang-aabuso ng pulisya at pag-aresto sa 51 na raliyista.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., palaging open ang PNP sa anumang imbestigasyon para mapanagot ang dapat na mapanagot sakaling mapatunayan.
Samantala, naninindigan pa rin ang pulisya sa naging pag-aresto nila sa mga nasabing indibidwal noong SONA dahil ang ilan sa mga ito ay dumaan sa inquest proceedings at naiharap na sa tamang proseso ng batas.










