Tuloy-tuloy kasi ang pag-ulan dulot ng habagat dagdag pa ang epekto ng high tide.
Dahil dito, nagkaroon na ng lumot ang mga kalsada at daanan na matagal nang lubog sa baha na dumagdag hamon sa mga mamimili sa sentro ng Dagupan.
Saksi si Nelson na tindero sa nasabing area ng paulit-ulit na pagkakadulas ng mga mamimiling sumusuong sa tubig dahil sa namuong lumot.
Kaniya-kaniya naman ang mga tao sa pagscrub at isis ng mga lumot sa tapat ng kani-kanilang negosyo at establisyementong pinagtagrabahuhan.
Patuloy naman sila sa paghingi ng tulong na maaksyunan ang problema sa lumot sa sentro.
Sa barangay naman ng Gabon sa Calasiao na lubog din ang baha, nagtulong-tulong ang mga kawani ng barangay upang tanggalin ang lumot na namuo sa kanilang kalsada.
Hakbang ito upang mapanatili at maiwasan ang aksidente na dulot nito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







