Thursday, October 22, 2026

PBBM, tiwala pa rin kay DILG Sec. Remulla sa kabila ng hindi pagkahuli sa mga high-profile fugitive

Nanatili ang tiwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Interior Secretary Jonvic Remulla sa kabila ng hindi pa pagkakahuli sa mga puganteng sina Zaldy Co at Charlie “Atong” Ang.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, wala silang indikasyong binawi na ng pangulo ang tiwala nito kay Remulla.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Remulla na nakalabas na ng bansa si Ang, na pinaghahanap kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero.

Hindi pa rin nahuhuli si dating kongresistang Co, habang patuloy ding pinaghahanap si Senador Ronald “Bato” dela Rosa, na ayon kay Remulla ay natunton sa Mindanao.

Facebook Comments