
Isasailalim sa drainage rehabilitation ang Loyola Street, pagitan ng M.F. Jhocson St. at Centro Street simula ngayong araw hanggang Mayo 8 ayon sa Department of Public Works and Highways o DPWH.
Dahil dito, magkakaroon ng partial road closure ang isang lane sa bahagi ng westbound lane ng Loyola Street.
Pinapayuhan naman ang mga motorista na magkakaroon ng bahagyang pagbagal ng trapiko sa kalsadang sasailalim sa rehabilitasyon at gumamit na lamang ng alternatibong ruta.
Sinisiguro naman ng ahensya na agad na bubuksan ang isinarang lane kapag natapos na ang nasabing proyekto.
Facebook Comments