PNP, nakaalerto sa anibersaryo ngayong araw ng National Democratic Front

Kasunod ng ika-52 anibersaryo ng National Democratic Front o NDF ngayong araw, nakaalerto ang lahat ng mga istasyon ng Philippine National Police (PNP).

Sa isang pahayag sinabi ng PNP na hindi nila hahayaaan makapaghasik ang mga ito ng takot sa mga komunidad lalo na sa mga liblib na lugar.

Babala pa ng PNP may mahigpit na parusang naghihintay sa sinumang mahuhuling sumusuporta sa teroristang grupo.

Marami na anilang natulungan ang pamahalaan na mga dating rebelde para makabalik ng maayos sa kanilang pamilya at makapamuhay nang normal.

Una nang sinabi ni Philippine National Police-Public Information Office (PNP-PIO) Chief PCol. Randulf Tuaño na naka-heightened alert ang buong hanay ng Pambansang Pulisya mula nitong March 24,2025 dahil sa sunod-sunod na malalaking aktibidad sa bansa.

Facebook Comments