Friday, September 11, 2026

Cardiologist ni Romualdez, humirit pa ng 4–6 linggo bago irekomenda ang paglipat sa QC Jail

Ikinagulat ng Sandiganbayan 3rd Division ang pahayag ng cardiologist ni dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na maaari pang abutin ng apat hanggang anim na linggo bago ito mairekomendang mailipat mula sa ospital.

Nang tanungin ni Associate Justice Ronald Moreno kung kailan posibleng mailipat si Romualdez, sinabi ni Dr. Rody Sy na nakadepende ito sa kondisyon ng dating speaker.

Dito pabirong sinabi ni Moreno, “Minumura na kami ng mga tao.”

Ayon kay Sy, pabago-bago pa rin ang blood pressure ni Romualdez at umabot umano sa 170 over 100 nitong Huwebes. Matindi rin aniya ang stress nito at kinailangang bigyan ng sleeping pills upang makatulog.

Samantala, iniutos ng korte na dalhin si Romualdez sa Philippine General Hospital (PGH) ngayong Sabado, Setyembre 12 para sa independent medical assessment.

Sa Lunes, ipagpapatuloy ang pagdinig sa hiling nitong manatili sa ospital.

Facebook Comments