Ilang kumpanya ng langis, nagpatupad ng bigtime rollback sa LPG

256

Nagpatupad ng rollback sa liquefied petroleum gas at auto LPG products ang Phoenix Petroleum ngayong Linggo, Araw ng Paggawa.

Nasa P5.75 ang tapyas sa kada kilo ng LPG habang P3.20 naman sa kada litro ng auto LPG.

Parehong price rollback din ang ipinatupad ng Petron Corp. sa LPG na epektibo kaninang alas 12:01 ng hatinggabi.


Ang nasabing adjustment ay katumbas ng P63.25 na tapyas-presyo sa kada 11-kilogram na tangke ng LPG.

Samantala, may P3.22 per liter na kaltas din sa Auto LPG ang Petron.

Facebook Comments