Ilang lugar sa Metro Manila at Rizal, mawawalan ng tubig ngayong araw

Pansamantalang mawawalan ng supply ng tubig sa ilang bahagi ng Metro Manila at Rizal ngayong araw hanggang Biyernes dahil sa mga kukumpunihing tubo.

Kabilang sa maapektuhan ay ang ilang lugar sa Binangonan, Quezon City, Taguig, Pasig, Parañaque, Antipolo, Cainta at Manila City.

Tatagal ng anim na oras ang pagkukumpuni na magsisimula ng alas dyes ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling araw.

Pinapayuhan ang mga residente na mag-ipon ng tubig.

Para sa kumpletong detalye kung ano-ano ang mga apektadong lugar at kung kailan pansamantalang mapuputol ang supply ng tubig, bisitahin lamang ang Facebook page ng Manila Water.

Facebook Comments