Mahigit 74,000 indibidwal, apektado ng pagsabog ng Bulkang Bulusan

Kasunod ng pagputok ng Bulkang Bulusan sa Bicol Region kahapon ng umaga, nakapagtala ang Office of Civil Defense (OCD) ng 14,830 pamilya o halos 74,209 kataong naapektuhan ng pagsabog ng bulkan.

Sa datos ng OCD, 19 na pamilya o katumbas ng 61 indibidwal ang nananatili sa mga evacuation centers habang ang iba naman ay minarapat na lamang manatili sa kanilang tahanan o makituloy sa kanilang mga kamag-anak.

Kaugnay nito, siniguro ng OCD ang tulong sa apektado nating kababayan tulad ng mga pagkain, tubig, hygiene kits, face mask at iba pa.

Samantala, patuloy ang road flushing ng Bureau of Fire Protection (BFP) para linisin ang mga kalsadang nabalot ng abo, habang naka-code white alert na rin ang Department of Health (DOH) para sa kaligtasan ng publiko.

Facebook Comments