
Kinuwestiyon ng isang opisyal ang tila pananahimik ngayon ng China kaugnay sa umano’y kontrata sa marketing firm para magtatag ng troll farm at kumuha ng “keyboard warriors” noong 2023.
Ayon kay Commodor Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea (WPS), karaniwan kasi ay mabilis maglabas ng pahayag ang embahada ng China.
Pero taliwas ito sa nangyayari ngayon na pananahimik ng Chinese Embassy kaugnay sa isyu.
Pinasalamatan naman ni Tarriela ang Senado sa pagbubunyag nito na tinawag niyang national security issue.
Posible kasi aniyang ginagawa ng Chinese Embassy ang pagpapakalat ng fake news at misinformation upang mahati ang mga Pilipino sa mga isyu partikular na sa West Philippine Sea.
Facebook Comments