Hindi lamang puno ng Pandan ang maipagmamalaki ng bayan ng Mapandan dahil mayaman din ito sa mga produktong pang agrikultura.
Noong May 28, itinampok ang bayan sa MAY-KAN Tour Leg 4 ng Department of Tourism Region 1 bilang bahagi ng pagsusulong ng turismo at agrikultura sa lugar.
Dinalaw ng mga delegado ang iba’t ibang destinasyon sa bayan kabilang ang Barangay Luyan kung saan naranasan nila ang farm-to-table dining, mango picking, at iba pang gawaing pang-agrikultura.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng aktibidad na maipakilala ang natatanging kultura, pagkain, at mga produktong agrikultural ng Mapandan bilang isa sa mga umuusbong na destinasyon sa Pangasinan.
Ang MAY-KAN Tour ng DOT Region 1 ay lumibot din sa ibang bayan sa Pangasinan upang isulong at pagyamanin pa ang turismo at agrikultura sa ating lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








