Tuesday, June 2, 2026

50 MAG-AARAL NG BBES, SUMAILALIM SA SUMMER ARAL PROGRAM NG DEPED

Limampung batang mag-aaral ng Bonuan Boquig Elementary School (BBES) ang kasalukuyang lumalahok sa Summer ARAL Program (Academic Recovery and Accessible Learning) ng Department of Education (DepEd), kasabay ng isinagawang 2026 Brigada Eskwela Division Kick-Off.

Ang programa ay tatagal ng dalawampung araw at nakatuon sa pagpapalakas ng foundational skills ng mga mag-aaral, partikular sa pagbasa, bilang bahagi ng pagsisikap ng DepEd na matulungan ang mga kabataang higit pang mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pagkatuto.

Sinamahan at ginabayan ang mga batang mag-aaral sa pagbabasa upang magiging mas handa sa pagbubukas ng klase sa pamamagitan ng karagdagang pagsasanay at paglinang ng kanilang kasanayan.

Nakiisa sa aktibidad sina Mayor Belen T. Fernandez, Schools Division Superintendent Dr. Marciano U. Soriano Jr., Dagupan City Police Office City Director Arnold Solomon, at Bonuan Boquig Elementary School Principal IV Dr. Agape Nabua.

Ang Summer ARAL Program ay isa sa mga pangunahing inisyatiba ng DepEd upang tugunan ang learning gaps ng mga mag-aaral at mapalakas ang kanilang kakayahan sa pagbasa at pag-unawa, na mahalaga sa kanilang patuloy na pagkatuto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments