Ilang mga pirma mula sa NCR para sa isinusulong na People’s Initiative, natanggap na rin ng COMELEC

Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na nasa 11 distrito na sa National Capital Region (NCR) ang nagsumite ng kopya ng mga lagda para sa isinusulong na People’s Initiative (PI).

Sa datos mula sa COMELEC, mayroon nang mga lagda ang naisumite mula Maynila, Makati, Caloocan, Navotas at Quezon City.

Ayon kay Chairman George Garcia nitong nakalipas na linggo, umabot na sa mahigit 800 ang natanggap nilang forms mula sa iba’t ibang mga munisipalidad at lungsod.


Ang mga lagdang ito ay susuriin pa ng COMELEC kung totoong galing sa botante kapag may pormal nang petisyon para sa PI.

Sa ngayon naman ay hinikayat ng komisyon ang publiko na mag-report kung pinipilit silang pumirma para sa PI.

Matatandaan na ang PI ay isa sa tatlong paraan para mabago ang Saligang Batas o ang 1987 Constitution.

Facebook Comments