2 US pedophiles na naharang sa NAIA, agad pinabalik sa kanilang port of origin

Agad pinabalik sa kanilang port of origin ang dalawang American pedophile na naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco, ang mga banyagang convicted sex offenders ay sina Joseph Sami Sallaj, 30 at Eduardo Ison Balenbin, 72.

Si Sallaj ay pinabalik sa kanyang port of origin na Taipei sa Taiwan habang si Balendin ay mula sa San Francisco sa USA.


Inilagay na rin ang mga banyaga sa blacklist ng BI para hindi na makabalik pa sa bansa.

Ayon sa US government, si Sallaj ay convicted noong December 2012 ng korte sa Tennessee dahil sa crime of sexual battery at ang kanyang biktima ay 12 years old.

Samantala, si Balenbin ay napaulat na convicted ng California court noong May 2007 matapos mapatunayang guilty sa lewd at lascivious acts sa isang bata.

Facebook Comments