Friday, May 15, 2026

Pagtakas ni Senator Bato sa Senado, patunay walang hustisya sa ating bansa para sa mga biktima ng tokhang

Para kay Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña, ang pagtakas ni Senator Ronald Bato Dela Rosa ay patunay na walang hustisya sa ating bansang para sa mga biktima ng Tokhang.

Ayon kay Cendaña, ito ang dahilan kaya kailangang mahuli si Dela Rosa at maisailalim sa paglilitis ng International Criminal Court (ICC) kung saan sya nahaharap sa kasong crimes against humanity.

Diin ni Cendaña, ang Senado mismo ang sumisira sa kanilang institusyon dahil imbes na isuko nila nang mapayapa ang isang taong may Warrant of Arrest ay ginamit nila ang Senado para takasan o labagin ang pagpapatupad ng batas.

Punto ni Cendaña, anong klaseng Senate leadership na ang unang agenda ay tulungang hindi maaresto ang isang international fugitive.

Giit ni Cendaña, lumalabas na pati ang Senado ay accessory o kasabwat sa krimen kaya malaki ngayon ang atraso ng senate leadership sa mga asawa at mga anak na naulila ng mga biktima ng extrajudicial killings (EJKs).

Facebook Comments