Tuesday, July 21, 2026

Ilang miyembro ng Anakpawis Party-list, inihihirit kay PBBM na tanggalin ang excise tax sa langis

Nagkilos-protesta ang ilang miyembro ng Anakpawis Party-list sa tapat ng isang malaking gasolinahan sa Philcoa-Commonwealth Avenue, Quezon City kaugnay ng big-time oil price hike ngayong Martes ng umaga, July 21.

Ayon sa grupo, hindi lang tsuper ang apektado ng dagdag-singil sa presyo ng produktong petrolyo, dahil apektado rin nito ang kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda, maging ang bill sa kuryente ng kabahayan sa bansa.

Panawagan ng grupo, ibaba ang presyo ng langis, ibasura ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA Law) at excise tax, at huwag umanong ipasa sa mga tsuper at konsyumer ang dagdag-singil sa presyo ng produktong petrolyo.

Samantala, tumagal naman ng humigit-kumulang 30 minutos ang nasabing kilos-protesta bago mag-disperse ang mga raliyista.

Facebook Comments