
Binigyang-diin ng House Prosecution Team na kanilang pinag-isipan at pinag-usapang mabuti ang pasya na ilaglag ang ibang mga testigo para sa ikaapat na Article of Impeachment patungkol sa alegasyong grave threast at inciting to sedition.
Ayon kay Prosecution Legal Spokesperson Atty. Benjamin Tolosa Jr., pagkatapos nilang magpresenta ng mga testigo ay nag-uusap sila at inaanalisa nila ang mga importanteng bagay lalo na ang naging testimonya ng kanilang mga testigo upang matukoy kung kailangan pa nilang ipresenta ang ibang mga testigo.
Binanggit naman ni House Prosecutor Rep. Ysabel Zamora, na araw-araw nilang pinag-uusaan ang kanilang stratehiya o mga hakbang para madetermina kung dapat ba nilang limitahan ang mga ipiprisintang testigo upang naman hindi mapagod ang mga senator-judges, mga abogado sa magkabilang panig at lalo na ang publiko na sumusubaybay sa paglilitis.
Diin naman ni House Trial Spokesman Rep. Zia Alonto Adiong, deserve rin VP Sara Duterte na mapabilis ang paglilitis sa kanya at makakatulong dito ang pagbabawas ng mga testigo na ang testimonya ay kapareho lang din ng mga unang testigong humarap sa impeachment court.










