Monday, October 26, 2026

Ilang pampasaherong bus at isang driver sa ilang terminal sa Cubao, Quezon City, bagsak sa inspeksyon ng awtoridad

Hindi pumasa sa road worthiness at safety inspection ng Land Transportation Office (LTO), Philippine Coast Guard, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang ilang bus sa magkakahiwalay na terminal sa Cubao, Quezon City ngayong Lunes, October 26.

Hindi na nakabyahe ang isang bus, na papunta sana sa Central Luzon, dahil sa paggamit ng unauthorized improvised plate at pasong authorization mula sa LTO, habang ang isa naman ay walang Authorization Letter mula sa ahensya.

Dahil dito, kinailangang lumipat ng kanilang mga pasahero sa ibang bus na may kaparehong ruta, para makauwi pa rin ngayong nalalapig na UNDAS 2026; habang kinumpiska naman ng mga tauhan ng LTO ang mga hindj awtorisadong improvised plate.

Samantala, ligtas naman ang lahat ng driver sa alcohol breath analizer test, habang nag-positibo naman ang isang driver sa skin test ng PDEA, kung kaya’t hindi muna siya sasama sa pagbyahe, para sumailalim sa confirmatory testing.

Dagdag pa ni LTO Law Enforcement Service Director Retired Bridagier General Allan Nobleza, na tatagal hanggang Novermber 4 ang pag-iinspeksyon ng ahensya sa mga terminal.

Facebook Comments