Buong puwersa rin ang lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang kumikilos upang matiyak ang ligtas at maayos na paggunita ng Undas sa bayan.
Nagtalaga ang Municipal Health Office ng first aid station, mga health worker at ambulansya para sa agarang pagtugon sa mga mangangailangan ng tulong medikal.
Nagtayo rin ng tatlong water station upang mamahagi ng libreng inuming tubig sa mga sementeryo.
Nakaalerto naman ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO, Mangaldan Police, Bureau of Fire Protection at mga civic volunteer upang magpanatili ng seguridad at agarang rumesponde sa anumang insidente.
Samantala, patuloy rin ang pagbabantay sa daloy ng trapiko sa tulong ng Public Order and Safety Office o POSO, Municipal Traffic and Safety Office o MTSO, Anti-Colorum Task Force at mga barangay tanod.
Layunin ng mga hakbang na matiyak ang ligtas at mapayapang paggunita sa mga yumao, habang inaasahang magpapatuloy hanggang ngayong araw, Nobyembre 2 ang pagdagsa ng mga dadalaw sa mga pampubliko at pribadong sementeryo sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








