Ilang pumapasadang jeep sa Pasay City, titigil na rin ngayong hapon

Titigil na rin ngayong hapon sa pamamasada ang ilang tsuper ng jeep na bumibiyahe ngayon sa Pasay City.

Anila, kaya lamang sila namasada kaninang umaga ay para makakuha muna ng panggastos.

Tiniyak naman ni Pasay City Chief of Police Col. Froilan Uy ang seguridad ng mga tsuper ng jeep na namamasada ngayong araw ng strike.


May contingency measures rin ang Pasay City government para alalayan ang mga pasaherong apektado ng tigil-pasada ng mga jeep.

Kabilang dito ang libreng sakay para sa ruta patungong

Kalayaan – MOA (vice versa)
Malibay – Pasay City Hall (vice versa)
Vito Cruz – EDSA (vice versa)
Market – Vito Cruz (vice versa)

Facebook Comments