Ilang may-ari ng lupa sa Mangaldan, Pangasinan ang boluntaryong nagdonate ng bahagi ng kanilang lupain para sa isasagawang ₱55-milyong Farm-to-Market Road Project, na magdudugtong sa mga barangay ng Macayug, Buenlag, Bari-Banaoang, Pogo, at Maasin-Anolid.
Ayon sa ulat, ang donasyon ng lupa ay para sa Road Right of Way ng proyekto na magsisilbing transportasyon ng mga produktong agrikultural mula sa mga sakahan patungo sa pamilihan.
Bilang paghahanda sa implementasyon, noong Hunyo 2 ay nagbigay ang Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan ng libreng legal at documentary assistance sa mga lot owner na magdodonate.
Kabilang dito ang libreng pagsusuri ng mga dokumento ng lupa, legal consultation, at iba pang kaukulang proseso para mapabilis ang proyekto at mabawasan ang pasanin ng mga landowner.
Inaasahang makatutulong ang farm-to-market road sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura at pagpapadali ng paggalaw ng produkto sa mga merkado sa Mangaldan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






