76 KABATAAN, NAGTAPOS SA SUMMER SPORTS CLINIC NG PANGASINAN PPO

76 kabataan ang naitalang nagtapos sa isinagawang PNP Summer Sports Clinic 2026 ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO), kasunod ng closing ceremony noong Hunyo 1 sa Lingayen, Pangasinan.

Ito ay matapos ang 15 araw na programa mula Mayo 11 hanggang 29 kung saan sumailalim ang mga kalahok sa iba’t ibang sports training.

Kabilang sa mga itinuro sa sports clinic ang Pickleball, Badminton at Karatedo, na tinutukan ang kanilang agility, coordination, endurance, strategic thinking, at self-defense skills.

Kabilang sa mga nagtapos ang mga kabataang may edad 5 hanggang 17 taong gulang kasama ang mga dependents ng PNP at Non-Uniformed Personnel (NUP).

Sa pagtatapos ng programa, ginawaran ng mga sertipiko ang mga kalahok bilang pagkilala sa kanilang pagtatapos.

Pinarangalan din ang mga coaches at trainers na nangasiwa sa mga pagsasanay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments