Imbestigasyon sa mga reklamo sa Prime Water, isusumite na kay PBBM

Patapos na ang Local Water Utilities Administration (LWUA) sa imbestigasyon kaugnay sa mga reklamo sa serbisyo ng tubig ng Prime Water sa Bulacan at ibang lugar na sineserbisyuhan nito.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni LWUA Administrator Atty. Moises Salonga na oras na matapos ang report ay agad itong ibibigay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Hindi naman isinasantabi ang posibilidad na mag-take over ang LWUA sa mga lugar na sinusuplayan ng Prime Water.

Pero ito ay kung sakaling mabigo pa ring makapagserbisyo nang maayos sa customers sa kabila ng utos ng pangulo.

Aminado rin si Salonga na matagal na itong isyu bago pa man ang kasalukuyang administrasyon.

Noong Abril nang unang ipag-utos ni Pangulong Marcos Jr., na imbestigahan ang serbisyo ng Prime Water na pag-aari ng mga Villar, matapos bumaha ng mga reklamo.

Facebook Comments