Impeachment case laban kay VP Sara, inaasahang lalong lalakas sa pagsama nina De Lima at Diokno sa House prosecution team

Kumpiyansa si House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na lalong lalakas ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ito ni Adiong sa harap ng napipintong pagsama nina dating Sen. Leila de Lima at human rights lawyer Atty. Chel Diokno sa House Prosecution Team.

Si Diokno, na kumakatawan sa Akbayan Party-list, at si De Lima ng Mamamayang Liberal ay papasok na bilang mga miyembro ng House of Representatives sa ika-20 Kongreso.

Diin ni Adiong, ang pagsama nina De Lima at Diokno sa prosecution panel ay nagpapakita rin ng determinasyon ng Kamara na panagutin si VP Sara sa pamamagitan ng impeachment process.

Facebook Comments