
Ipinaaaresto na ng korte dahil sa qualified human trafficking si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque at 49 na iba na sangkot sa POGO hub sa Pampanga.
Ang warrant of arrest ay nilabas ni Presiding Judge Rene Reyes ng Regional Trial Court Branch 118, sa Angeles City, Pampanga.
Bukod kay Roque, pinapaaresto rin sina Cassandra Ong at apatnaput walong iba pa.
May nakitang basehan ang mababang hukuman sa isinampang reklamo laban sa mga akusado.
Wala namang inirekomendang piyansa ang korte.
Samantala, ipinag-utos din ng korte na pag-isahin na lamang ang labing isang kasong isinampa laban sa mga akusado matapos katigan ang inihaing “Ex-Parte Motion for Consolidation” ng prosekusyon.
Facebook Comments