Impeachment proceedings ni VP Sara, pinamamadali na ng ilang opisyal ng Simbahang Katolika

Nanawagan ang social action arm ng Simbahang Katolika sa Senado na madaliin na ang pag-aksyon sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng Caritas Philippines, panahon na para magpakita ng katapangan o moral courage ang mga lider natin upang manindigan sa hustisya ang mga institusyon.

Nararapat lang din aniyang mag-demand ng accountability ang taumbayan na nakaugat sa habag at katotohanan.

Sinabi ng obispo na habang pinatatagal ang paglilitis ay bumababa ang tiwala ng publiko at humihina ang democratic institutions sa bansa.

Kaya kinakailangan na raw manaig ang patas at naaayon sa katotohanan na proseso para din sa kapakanan ng mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap at madalas na binabalewala.

Una nang binatikos ng ilang Catholic academic institutions ang umano’y delay sa impeachment proceedings.

Facebook Comments