Wednesday, July 8, 2026

Impeachment trial, gagawing praktikal ang proseso para sa lahat

Gagawing masinsin at praktikal ng Senate Impeachment Court ang proseso ng paglilitis kay Vice President Sara Duterte.

Kung matatandaan kahapon ay hindi na muna itinuloy ang cross-examination ng depensa sa unang testigong iniharap ng prosekusyon.

Ayon kay Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol, nais ng korte na lahat ng mga isyu ay maresolba agad at maging mabilis ang pagpiprisinta ng mga testimonya at ebidensya.

Paliwanag pa ni Tongol, pinagpabukas ang cross-examination sa testigo dahil batay na rin sa kanyang karanasan bilang litigator ay matatagalan talaga ang prosesong ito.

Bukod dito ay pagod na rin ang mga senator-judges sa haba ng oras at sa tingin ng Impeachment Court mas maa-appreciate ng publiko ang testimonya ng testigo kung nakapahinga rin ito.

Inaasahan na bago mag-alas 7:00 ng gabi ay tatapusin na ang impeachment trial at dahil sa ilang pangangailangan na dapat ma-extend ang paglilitis ay posibleng higit pa sa 92 trial days ang itatagal ng paglilitis.

Facebook Comments