Tuesday, June 30, 2026

P85 na dagdag sa arawang sweldo sa NCR, hindi sapat

Hindi sapat para kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang 85-pesos na umento sa arawang sweldo ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Tinio kapag naidagdag ito ay aabot lang sa P780 ang daily minimum wage.

Giit ni Tinio, malayong-malayo ito sa P1,312.00 na family living wage na kailangan ng isang pamilya kada araw para mabuhay ng disente.

Bunsod nito ay binigyang-diin ni Tinio na patuloy pa rin nilang ipaglalaban ang pagsasabatas ng panuklang P1,200 na nakabubuhay na daily minimum para sa mga manggagawa sa buong bansa.

Facebook Comments