Monday, November 23, 2026

Petisyon sa Supreme Court nina Senators Go at Padilla ukol sa voting threshold sa impeachment trial, iginagalang ng prosekusyon

Iginagalang ng House Prosecution Panel ang petisyon sa Supreme Court nina Senators-Judge Christopher Bong Go at Robin Padilla para ibalik o panatilin sa 16 ang voting threshold o botong kailangan para hatulan sa impeachment trial si Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Prosecution Legal spokesperson Atty. Benjamin Tolosa Jr. prerogative nina Go at Padilla na kwestyunin sa Kataas-taasahang Hukuman ang desisyon ng Senate Impeachment Court ukol sa voting threshold.

Bagama’t iginagalang din ni Private Prosecutor Atty. Lorna Kapunan ang hakbang nina Go at Padilla ay naniniwala naman syang premature o maaga pa para idulog ang usapin sa Supreme Court.

Paliwanag ni Kapunan, ito ay dahil hindi pa naman nangyayari ang botohan kung guilty o aquitted si VP Sara sa kinakaharap na impeachment case.

nanindigan din sila Tolosa at Kapunan pabor sa naging pasya ng Impeachment Court.

Facebook Comments