Incoming P3PWD Rep. Rowena Guanzon, nanumpa na sa Court of Appeals

121

Pormal nang nanumpa sa Court of Appeals si dating Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon bilang kinatawan ng P3PWD Party-list.

Ito ay matapos na payagan ng COMELEC si Guanzon bilang substitute ng mga umatras na nominees ng nasabing party-list group.

Si Guanzon ang first nominee ng P3PWD na nakakuha lamang ng isang seat sa Kongreso.


Una na ring binasura ng COMELEC ang opposition na inihain ng Duterte Youth Party-list na humaharang sa last-minute entry ni Guanzon.

Facebook Comments