Hindi lamang mga magsasaka ng palay maging mga magsasaka ng tubo o sugarcane sa Pozorrubio ay naghahanda na rin sa posibleng maranasang Super El Niño.
Ayon kay Conrado Acosta, Sugarcane Miller sa Barangay Buneg, bagamat drought resistant ang tanim na tubo o sugarcane ay posible pa rin itong maapektuhan ng matinding tagtuyot partikular sa usapin ng patubig.
Kahit hindi pa panahon ng harvesting ay isa rin sa kanilang pinagtitibay ay ang pananatiling buhay ng industriya sa kahit anong panahon upang nang sa gayon ay tuloy-tuloy na mapakinabangan lalo ng mga residenteng ito na rin ang naging hanapbuhay.
Samantala, upang mas mapalawak pa ang kakayahan ng mga tanim na tubo ay nagsasagawa rin ng iba’t-ibang delicacy o lokal na produkto mula rito upang maging sa pagnenegosyo ay umangat ang mga nasa loob ng nasabing industriya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments
