Thursday, October 22, 2026

2027 budget, dapat tiyaking transparent at umaayon sa Supreme Court ruling

Pinapatiyak ni House Assistant Minority leader at Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno sa Senado at Kamara, sa pamamagitan ng bicameral conference committee, na ang 2027 national budget ay transparent at umaayon sa desisyon ng Supreme Court.

Hinikayat din ni Diokno ang lahat na maging mapagbantay laban sa anumang uri ng pork barrel upang matiyak na ang mapagtitibay na pambansang pondo sa susunod na taon ay para sa kapakanan at intres ng mamamayang Pilipino.

Mensahe ito ni Diokno, makaraang idekalra ng Supreme Court na unconstitutional ang mga Unprogrammed Appropriations sa General Appropirations Act noong 2024, 2025, hanggang 2026.

Ayon kay Diokno, ang nabanggit na pasya ng Kataas taasang Hukuman ay nagpapatunay na tama ang kanilang panawagan noon pa man na ang mga proyekto ng gobyerno ay dapat malinaw at may klarong pondo sa halip na ipailalim sa unprogrammed appropriations na maaring maabuso at magamit sa katiwalian.

Sabi ni Diokno, sa ganitong paraan ay malinaw na matutukoy kung saan napupunta, sino ang nakikinabang, at paano ginagamit ang pera ng bayan.

Facebook Comments