Inflation rate sa bansa, mananatiling mataas hanggang matapos ang 2022

128

Mananatiling mataas ang inflation rate o bilis ng paggalaw sa presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa hanggang matapos ang taon.

Ayon sa Department of Finance (DOF) at Philippine Statistics Authority (PSA), bunsod ito ng pagtaas sa presyo ng pagkain at produktong petrolyo.

Gayundin ang paghina ng piso kontra dolyar, at pinsala sa agrikultura na idinulot ng nagdaang Super Bagyong Karding.


Nabatid na tumaas sa 6.9% ang inflation rate sa bansa nitong Setyembre mula sa naitalang 6.3% noong Agosto.

Mahigit 170,000 na ektarya naman ng taniman sa Luzon at Visayas ang pinadapa ng Bagyong Karding na katumbas ng P3.2 billion, at nakaapekto sa 108,594 na magsasaka at mangingisda.

Epektibo na rin kamakailan ang itinakdang taas-pasahe ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga pampublikong sasakyan.



Samantala, para mapangasiwaan ang inflation, sinabi ng DOF na importante ang pagpapatupad ng pamahalaan ng mga hakbang para makontrol ang supply ng pagkain at iba pang bilihin.

Facebook Comments