Atty. Mike Toledo, kinumpirmang handa umano siyang maging susunod na Press Secretary

109

Inihayag ni Metro Pacific Investments Corporation Executive Atty. Michael Toledo na handa umano siyang maging susunod na Press Secretary ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Aniya, isang karangalan ang magsilbi sa kasalukuyang administrasyon, at walang dahilan para tanggihan ang nasabing posisyon.

Pero tumanggi itong sagutin ang tanong kung nakatanggap ba siya ng pormal na alok o hindi.


Matatandaang, nagbitiw kahapon bilang Press Secretary si Attorney Trixie Cruz-Angeles dahil sa isyung pangkalusugan.

Kasunod nito, lumitaw ang ilang matutunog na pangalan ng posibleng pumalit kay angeles kabilang si Toledo.

Gayundin sina Department of Transportation Undersecretary Cesar Chavez, at dating journalist na ngayon ay opisyal ng Philippine Amusement And Gaming Corporation (PAGCOR) na si Gilbert Remulla.



Facebook Comments