Inspeksyon sa warehouses, dapat palakasin ng DA at NFA sa gitna ng Rice Repacking Scam

Hinimok ni Senator Sherwin Gatchalian ang Department of Agriculture (DA), National Food Authority (NFA) at ang Department of Trade and Industry (DTI) na palakasin ang inspeksyon sa mga warehouses kung saan talamak ang rice repacking scam.

Ang panawagan ng senador ay matapos salakayin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation o NBI ang warehouse sa Bocaue, Bulacan na nagre-repack ng lumang bigas at inihahalo sa imported na bigas para maibenta ulit ng bago.

Pinalalakas din ni Gatchalian ang koordinasyon ng mga ahensya sa law enforcement agencies para sa agad na pag-aresto at pagpapanagot sa mga nasa likod ng profiteering at rice manipulation sa produkto.


Sinabi ng mambabatas na hindi katanggap-tanggap na gagastos ang consumers gamit ang kanilang pinaghirapang kita para sa bigas na hindi naman totoo sa kini-claim nito.

Ang panloloko aniyang ito ay direktang pagatake sa consumers na nabibigatan na nga sa sobrang taas ng mga bilihin.

Facebook Comments