Mabilis na implementasyon ng mga proyekto sa Region 6, iniutos ni PBBM

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Regional Development Council (RDC) VI Meeting sa Iloilo City.

Sa nasabing pulong, pinag-usapan ang mga pangunahing proyekto sa rehiyon tulad ng Jalaur River Multipurpose Project Stage II at Panay-Guimaras-Negros Bridges.

Bukod dito, tinalakay rin ang mga pangangailangan ng Western Visayas sa agrikultura, edukasyon, enerhiya, tubig, turismo, at flood mitigation.


Kaugnay nito, inatasan ng pangulo ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno na siguruhin ang mabilis na implementasyon ng mga proyektong pangkaunlaran sa Western Visayas.

Matatandaang iniutos ng pangulo ang muling pagbuhay sa Regional Development Council kung saan parte ang lahat ng gobernador, city at municipal mayors, at lahat ng provincial chapter president ng League of Municipalities.

Nitong nakalipas na linggo, una nang pinulong ni Pangulong Marcos ang RDC sa Central Visayas.

Facebook Comments