INSPIRASYON | JM De Guzman, nagsalita na tungkol sa naging karanasan niya nang malulong sa droga

Showbiz – Nagsalita na ang aktor na si JM De Guzman matapos ang matagal na pananahimik sa mundo ng showbiz.

Sa isang panayam, inamin ni jm na kinailangan niyang magpa-rehab matapos na malulong sa illegal drugs.

Inakala umano ni JM na makakatulong sa career niya bilang aktor ang paggamit ng droga.


Big break sa showbiz career ni JM nang pagbidahan niya ang 2011 remake ng “Mula sa Puso” at ang afternoon series na “Angelito: Batang Ama” na pinakahuli rin niyang nagawa matapos na ma-adik sa droga.

Nagbalik sa paggawa ng pelikula si JM noong 2014 kung saan bumida siya kasama si Angelica Panganiban sa pelikulang “That Thing Called Tadhana”.
Pero noong 2015, sa afternoon series na “All of Me”, binaril ang karakter ni JM matapos na bumalik sa kanyang bisyo.

Sabi ng aktor, sobra niyang pinagsisisihan ang paggamit ng illegal drugs.

At ngayon, handa na muling magbalik-showbiz si JM, bitbit bilang inspirasyon ang matinding suporta ng kanyang pamilya at ng lahat ng mga taong nagtitiwala pa rin sa kakayahan niya sa industriya.

Facebook Comments