DEBOSYON SA MANAOAG, UMABOT SA NEW YORK

‎Nagtipon at nagpakita ng debosyon ang mga deboto ng Mahal na Birhen ng Manaoag mula sa Hilagang Amerika sa Katedral ng San Patricio sa New York.

‎Naipamutawi at naibahagi ng mga Pilipinong deboto ang kanilang paniniwala, pagmamahal at pananampalataya sa isa sa pinakakilalang simbahan sa buong mundo.

‎Makikita ang matibay na pananampalataya at pagkakaisa habang isinasagawa ang mga seremonya at pagpupugay sa imahen ng Ina ng Manaoag.

‎Nagmula ang debosyong ito sa bayan ng Manaoag, Pangasinan, at patuloy na nabubuhay saanman naroroon ang mga Pilipino.


‎Sa pamumuno ng mga samahang pananampalataya, naging matagumpay ang gawain at nagpatibay pa ang samahan ng komunidad.

‎Sa pamamagitan nito ay tiyak na maipapakilala ang debosyon sa mas marami pang mananampalataya sa ibang bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments