PAGSASANAY PARA SA MAS EPEKTIBONG PROGRAMANG PANGKABUHAYAN, PINAIGTING NG DOLE REGION 1

Pinaigting ng Department of Labor and Employment o DOLE Regional Office 1 ang kakayahan ng mga katuwang nitong sektor sa pagpapatupad ng mga programang pangkabuhayan sa pamamagitan ng pagsasanay sa paghahanda ng mga panukalang proyekto at business plan.

‎Isinagawa ang dalawang araw na Workers’ Organization Development Program o WODO Plus Level Two-A training-workshop noong Oktubre 20-22, 2026, sa River Palm Hotel and Resort sa Bugallon, Pangasinan.
‎

‎Dumalo sa pagsasanay ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor, kabilang ang mga persons with disabilities o PWDs, mga samahan ng mga drayber at operator ng traysikel o TODAs, at mga Rural Improvement Clubs o RICs.
‎

‎Layunin ng aktibidad na mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa pagbuo ng mga proyektong pangkabuhayang may kakayahang maisakatuparan at maaaring mapondohan sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program o DILP.
‎

‎Binigyang-diin sa aktibidad ang kahalagahan ng masusing pagpaplano upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga inisyatiba para sa kabuhayan.

‎ ‎Sa pamamagitan aktibidad, inaasahang mas mapalalakas ang kakayahan ng mga organisasyon na bumuo ng mga proyektong makatutulong sa pagpapabuti ng kanilang kabuhayan at kalagayang pang-ekonomiya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments